Posts

Showing posts from February, 2019

AKO: Noon, Ngayon at sa Hinaharap

Image
KAIBIGAN: ISANG SAMAHAN WALANG IWANA Madaling sabihin ang salitang sino ako? Subalit mahirap ipakita kung sino ka nga ba sa harap ng ibang tao. Ang mundong ating ginagalawan ay punong-puno ng panghuhusga, gulo, ingay, at karahasan. Paano ba sisismulan ang hinaharap at ang kinabukasan kung mananatiling ganito ang sitwasyon ng ating lipunan. Bago pa man ang kasalukuyan at mangyari ang hinaharap  Let's throwback... Simula pagkabata, namulat na ako sa buhay na hindi marangya pamumuhay na payak at simple. Minsan kailangan mong gumising ng maaga para marami kang magawa. Bawal ang mabagal, ang tatamad-tamad Latigo ni Don pakulbo ang matitikman mo. kung hindi naman ay paliliguan ka ng tubig, pumili ka na lang kung mainit o malamig. Minsan kapag napagisipang makipaglaro sa kapwa-bata, grabe parang may sunog sa bahay parang laging may giyera. "Hoy! lalayas ka nanaman kapag lumagpas ka sa gate na yan 'wag ka na ditong babalik, humakbang ka pa at puputulin ko 'yan...

DAAN TUNGO SA TAGUMPAY: Ang Buhay Senior High School

Image
Mahirap mang paniwalaan na sa bawat taon na pinagdaanan. Narito na, malapit ng marating ang tagumpay na inaasam- asam sa halos ilang taon. Ang pangarap na kahit mahirap pinipilit pa ring abutin. Umaasa na balang araw ang pagsisikap at pagtitiyaga ay may magandang bungang matatamasa. Nais mo bang malaman ang buong kwento? Sana  oo para naman hindi masayang yung  "effort" ko. Ang kwento ng buhay Senior High School... Sa unang pagpasok ko bilang Grade 11 Student iba't ibang mukha ang aking nasilayan na may kakaibang katangian. Mga taong hindi ko alam kung kaya ko bang makipagsabayan sa kung anong " trip" nila sa buhay. Simple lang naman akong mag-aaral hindi man ako kumikibo o nakikisalamuha sa una at tahimik. Sa susunod na araw lilitaw ang kakulitan maingay kung minsan pero mabait at maaasahan.  Ang ilang buwan ay mabilis na lumipas may mga hamon na kailangang harapin at lagpasan.Tulad na lamang ng masakit sa ulo na halos mabitak na ang utak mo sa kaka...

GAS: Pinili para sa pangarap

Image
Maaaring naguguluhan kayo ngayon sa pipiliin nyo pagdating ng Senior High School. Sana ay mas mangibabaw pa rin sa'yo kung ano ang nais mo, makinig ka sa kung ano ang gusto mo. H'wag kang matakot sundin ang bulong ng iyong puso. Pumili ka man ng Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities and Social Science (HUMSS), Scienc, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Technical-Vocational Livelihood (TVL) at maging ang General Academic Strand (GAS). kahit alin man dyan basta't kaya mong panindigan at naniniwala kang ito ang magdadala sayo patungo sa hinahangad mong tagumpay. Magtiwala ka sa sarili mo hanggang maganap ang natatangi mong pangarap. Ang sulating ito ay naglalaman ng isang kwento ng pagiging GAS student. Alam kong pamilyar na tayo sa General Academic Strand (GAS) bilang isang kurso sa   k-12 curriculum. Pero para sa'yo ano nga ba talaga  ang ibig sabihin nito? 'yan ang tanong na gumugulo sa aking isipan noon na pilit kong binabali...

ISYU: Bayan Ang naapektuhan Kapit-bisig Ang kailangan

Image
Isang malayong bayan na may iba't ibang taong naninirahan minsan nawawalan ng pagkakaisa't di marunong magmahalan. Kung hindi naman ay kawalan ng pag-asa ngunit patuloy pa ring naniniwala na isang araw, isang umaga gigising ang lahat na may ngiti sa kanilang mga labi. Walang gulo at bawat isa'y magtutulungan at kapit-bisig na magdadamayan. Ang buhay ay punong-puno ng  pagsubok o hamon mga problema na kailangang solusyunan bago pa man lumala at marami ang maapektuhan. Paano nga ba? uupo ka na lang ba at walang gagawin tumayo ka't samahan akong baguhin ang kanilang nakasanayan. Una, bakit nagkakaroon ng gulo? ang dahilan lamang ay walang nangingibabaw na pagmamahal sa isa't isa. Nagiging makasarili kumbaga, hindi man lang marunong makipagkapwa. Kung sana lahat ay marunong magmahal sana'y payapa't walang ingay ang isang lugar o pamayanan. Sa sitwasyong ito dapat ikaw, ako at tayo, sa ating mga sarili magsisimula ang lahat. Ang pagkakaisa ay i...

KAIBIGAN: Isang Samahan Walang Iwanan

Image
Karamay sa anumang problema na iniinda, nagiging sandalan sa oras ng kalungkutan, mga halakhak na may kasamang hagalpak. Sa bawat luhang pumapatak sila ang nagsilbing panyo ibuhos mo ng lahat di ka n'yan iiwan tatawanan ka lang. Dahil sa kanila nakuha kong maging masaya at tumawa ng malakas na may kasamang hampas.  Natuto akong lumaban dahil alam kong lagi silang nandyan, handang tumulong basta't tawagin mo lang ang kanilang pangalan darating sila maghintay ka lang. Isang samahang pinagtibay ng mga pagsubok o suliranin sa buhay, maituturing na hindi lang kaibigan kundi pamilya. 'Yan ang aking kaibigan isang samahang walang iwanan. Tawagang "brad" at "pre" simpleng salita ngunit sulido. parang isang pader na hindi magigiba at matitibag ng kahit anumang hamon ang rumagasa. May mga nagsasabing kung bakit ko daw naisipang sumama sa kanila puro naman daw  "abnoy." Wala naman daw akong patutunguhan sa buhay kung sila lang naman ang makakasa...