KAIBIGAN: Isang Samahan Walang Iwanan








Karamay sa anumang problema na iniinda, nagiging sandalan sa oras ng kalungkutan, mga halakhak na may kasamang hagalpak. Sa bawat luhang pumapatak sila ang nagsilbing panyo ibuhos mo ng lahat di ka n'yan iiwan tatawanan ka lang. Dahil sa kanila nakuha kong maging masaya at tumawa ng malakas na may kasamang hampas.  Natuto akong lumaban dahil alam kong lagi silang nandyan, handang tumulong basta't tawagin mo lang ang kanilang pangalan darating sila maghintay ka lang. Isang samahang pinagtibay ng mga pagsubok o suliranin sa buhay, maituturing na hindi lang kaibigan kundi pamilya. 'Yan ang aking kaibigan isang samahang walang iwanan.
Tawagang "brad" at "pre" simpleng salita ngunit sulido. parang isang pader na hindi magigiba at matitibag ng kahit anumang hamon ang rumagasa. May mga nagsasabing kung bakit ko daw naisipang sumama sa kanila puro naman daw  "abnoy." Wala naman daw akong patutunguhan sa buhay kung sila lang naman ang makakasama ko. Ano bang alam nila sa'kin kaya ba nilang mahilom ang sugat na naramdaman ko noon tulad ng ginawa nila para sa'kin. Mga tsismis dito, tsismis doon buti na lang may pinatupad ng anti-tsismis Law para matigil na ang mga bunganga nitong mga taong to di ko sinasabing kapit-bahay namin to pero parang sila talaga. Ang totoo bakit ko nga ba natitiis tong mga abnoy nato minsan nga kung makapanglait akala mo kung sinong perpaekto ("ikaw lang ba ha! idamay mo naman ako please.) Lagi kong iniisip na kahit pagtawanan nila ako dahil sa mapagbiro kong kaibigan ayos lang alangan naman di ako gumanti diba.
kapag may pagti-tripan dapat nandun ka rin para sama-sama  diba walang iwanan. H'wag ka lang magpapahalata na nandun ka talaga at na saksihan mo ang nakakabaliw na hanapan ng " Nasaan na ' yong bag ko? Nasaan na 'yung Cellphone ko? Sinong nagtago!" may nanliliit na boses at tumitirik na mga mata sa sobrang galit tapos bigla kang ituturo humanda ka na lintik lang ang maraming ganti ( para maiba naman puro na lang " lintik lang ang walang ganti.") Ganyan sila mga baliw mga walang magawa sa buhay pero masaya at alam mong mauulit pa yun. Di rin talaga maiiwasang may tanga sa grupo 'yung tipong nagbiro ka tapos siya nagmumuni-muni muna at at pag-iisipang mabuti kung ano ang joke mo. Habang ang iba'y walang humpay ang tawa samantalang siya'y nagtitimbang pa ng sitwasyon pumapasok pa lang sa utak niya kung ano 'yung pambihirang joke time. Pero dahil sa reaksyon niya, mismong ikaw tatawa na rin lang. Kung wala 'tong taong to malamang di kumpleto ang barkadahan, kaya nagpapasalamat ako at nakilala ko silang lahat.
May iba't ibang klase ng kaibigan 'yung medyo matapang pero pusong mamon kung alam mo lang. Laging naghahamon ng away  pagdating sa pamilya siguradong iiyak 'yan. Handang ipagtanggol ang buong tropa kapag may mga taong nagtangkang sirain na lang 'to basta-basta. May mga kaibigan ding parang laging may wifi sa bahay kahit saan ang daming impormasyong makukuha nang dahil sa kanya. Itanong mo lang  " Sino nga 'yung nabalitaang nakulong?" tapos sasabihin niyang mula sa kung bakit at paano, tinanong mula lang naman kung sino diba. Ito meron pa hinding-hindi mawawala sa grupo "The Joker" silang magdadala sa'yo mula sa kalungkutan hanggang sa maging baliw ka na rin tulad niya. Sa t'wing wala siya ang dating makulay parang kumukupas na lang bigla. Ngunit mas matindi pa ang problema n'yan kumpara sa iba di ko naman sinasabing ako 'to kasi baka itanong mo.
Anuman ang katangiang meron ang 'yung mga kaibigan handa mo siyang intindihin dahil sa samahang pang matagalan. Kung ang oras na darating at buwan man ang pagitan ng hiwalayan alam kong magkikita pa tayo. Ang hiwalayang nagpapakita na tayo'y nagtagumpay sa laban natin sa buhay. Hindi tayo magkakalas sa binuo nating samahan bagkos ay patitibayin anumang suliranin ang dumating. Sana'y sa muli na'ting pagkikita, walang magbabago ang mga memorya o alaalang ating naranasan ay bahagi ng aking pagkatao.

Comments

Popular posts from this blog

AKO: Noon, Ngayon at sa Hinaharap

DAAN TUNGO SA TAGUMPAY: Ang Buhay Senior High School

GAS: Pinili para sa pangarap