AKO: Noon, Ngayon at sa Hinaharap
KAIBIGAN: ISANG SAMAHAN WALANG IWANA
Madaling sabihin ang salitang sino ako? Subalit mahirap ipakita kung sino ka nga ba sa harap ng ibang tao. Ang mundong ating ginagalawan ay punong-puno ng panghuhusga, gulo, ingay, at karahasan. Paano ba sisismulan ang hinaharap at ang kinabukasan kung mananatiling ganito ang sitwasyon ng ating lipunan.
Bago pa man ang kasalukuyan at mangyari ang hinaharap Let's throwback...
Simula pagkabata, namulat na ako sa buhay na hindi marangya pamumuhay na payak at simple. Minsan kailangan mong gumising ng maaga para marami kang magawa. Bawal ang mabagal, ang tatamad-tamad Latigo ni Don pakulbo ang matitikman mo. kung hindi naman ay paliliguan ka ng tubig, pumili ka na lang kung mainit o malamig. Minsan kapag napagisipang makipaglaro sa kapwa-bata, grabe parang may sunog sa bahay parang laging may giyera. "Hoy! lalayas ka nanaman kapag lumagpas ka sa gate na yan 'wag ka na ditong babalik, humakbang ka pa at puputulin ko 'yang paa mo uwi! pasok sa bahay." Sa sobrang takot ko, syempre susundin ko sila ikaw ba namam putulan ng paa diba, gano 'n kaganda ang Childhood Time ko. Hindi naman sila sobrang strikto konti lang ngunit sa kabila ng lahat, di sila nagsawang mahalin ako at intindihin.
At ngayon na nagiging malinaw na sa aking isipan ang mag bagay-bagay ngayon ko lang napagtanto na bawat hampas ng mga kamay, bawat salitang tagos hanggang buto at iyak. Naramdaman ko na lahat ng 'yun ay gabay para sa'kin at ayaw nilang maging mahina ako sa oras ng mga hamon sa buhay, kailangan kong maging matapang hanggang sa darating na bukas. Mga salitang "Hindi lang Edukasyon ang mahalaga kundi respeto atkagandahang-asal" Mga payo na dadalhin ko hanggang sa pagtanda. Naging malakas at matapang kong hinarap at haharapin pa ang bawat pagsubok na dumating , bawat hagupit ng problema kahit gaano pa ito kalakas buong tapang lalaban. Dahil sa kanila bawat lagpak sa lupa at masugatan hindi ko iindahin ang sakit bagkos ay patuloy na lalaban para sa susunod na taon at ilang dekada. Patuloy akong mangangarap, magsusumikap hanggang makamit ang mga bituin na kahit mabagal ang proseso hindi titigil at unti-unting aabutin.
Para sa aking hinaharap di mo alam kung gaano ako ka proud para sa'yo dahil alam kong magtatagumpay ka sa mga nais mong marating. Siguro maiisip mo ang mga bagay na iyong pinagdaanan noon mula pagkabata hanggang ngayon. Sana'y mapatawad mo mo ako kung minsan di ko inuuna ang maging masaya at piliin kung ano talaga ang dapat para sa iba at ikabubuti ng lahat.Balang araw sana ay makuha mong mahalin ang sarili mo bilang sino ka ngayon. H'wag mong kakalimutan ang panginoon sa lahat ng biyayang binigay sa'yo. Palagi ka sanang tumawa na walang iniisip na problema 'yung tawa na may kaakibat na tagumpay. Magiging masaya ako kung sino ka man sa hinaharap, patuloy kang lumaban!
❤️❤️
ReplyDelete