DAAN TUNGO SA TAGUMPAY: Ang Buhay Senior High School








Mahirap mang paniwalaan na sa bawat taon na pinagdaanan. Narito na, malapit ng marating ang tagumpay na inaasam- asam sa halos ilang taon. Ang pangarap na kahit mahirap pinipilit pa ring abutin. Umaasa na balang araw ang pagsisikap at pagtitiyaga ay may magandang bungang matatamasa. Nais mo bang malaman ang buong kwento? Sana  oo para naman hindi masayang yung  "effort" ko.
Ang kwento ng buhay Senior High School...
Sa unang pagpasok ko bilang Grade 11 Student iba't ibang mukha ang aking nasilayan na may kakaibang katangian. Mga taong hindi ko alam kung kaya ko bang makipagsabayan sa kung anong " trip" nila sa buhay. Simple lang naman akong mag-aaral hindi man ako kumikibo o nakikisalamuha sa una at tahimik. Sa susunod na araw lilitaw ang kakulitan maingay kung minsan pero mabait at maaasahan.
 Ang ilang buwan ay mabilis na lumipas may mga hamon na kailangang harapin at lagpasan.Tulad na lamang ng masakit sa ulo na halos mabitak na ang utak mo sa kaka-review  makapasa lang sa exams, quizzes, at matapos lang ang walang humpay na oral recitation, "sobrang nakaka-tense".
Mas may malala pa dito ang nakakabaliw na thesis kailangan bawat defense dapat paghandaan. Pero kung sobrang sipag ng groupmates mo yung halos ikaw na lang lahat ang gumagawa. Wow! naka-jackpot ka ikaw ng napaka swerteng tao sa buong mundo. Kung pwede lang sabihin na "Ako na lang lahat tutal ako lang naman gumagawa diba". Pero kailangan positibo ka pa rin sa magandang kalalabasan ng Research. Buti na lang mabait ako, mabait yung groupmates ko pala at alam kong magtatagumpay kami sa bawat pagharap sa mga hurado.
Nakakapagod, nakakabagot minsan bigla na lang tatawagin yung pangalan mo tapos matutulala ka na lang kasi di mo "gets" yung tanong . Tapos sasabayan mo na lang ng ngiti para madala ang iba na kahit wala kang sagot makakapagbigay ka ng kasiyahan sa buong klase. Pero kailangan "confident" ka pa rin para kunwari nakikinig ka sa lecture at alam mo yung ibibigay na tanong. Kahit walang koneksyon ang sagot mo basta makasagot lang "pwede na yan!" basta may participation diskarte na lang ang kailangan.
Naranasan mo na bang di ka naka- pass ng assignment at ang rason mo "naiwan sa bahay" pero ang totoo hindi ka nakagawa kasi nakatutok ka nanaman sa Social Media."Facebook pa more" minsan gawa-gawa din ng takdang aralin 'wag laging puro internet masakit din yan sa panga, mali sa mata (okay next joke). Hindi pa dyan natatapos ang kwento marami ka pang di alam . Sabi nila "High School Life is the best experience in a whole life." Maling-mali sila hindi ang pagiging buhay High School ang  "the best" sa lahat kundi ang mga taong nakilala mo at ang alaalang inyong binuo.
kahit na mala-roller coaster ang Senior High School moment at maging "zigzag road"  ay aking napagdaanan (kasi nga walang shortcut). At nandito na mula sa "starting point" hanggang sa "finish line" di mo na kailangang makipagkarera ang puhunan mo lang sipag, tiyaga, pagiging pursigido, determinasyon, puso, at ang binubuo mong pangarap. Ang lahat ng ito ay mga sandata sa bawat hampas ng malalakas na alon. Minsan masasabi mo sa sarili mong pwede bang patigilin ang oras kapag pagod na pagod ka ng mag-aral, kapag hindi mo na kayang tumayo o bumangon man lang sa sobrang kapaguran. Pero hindi kailangan laban lang, walang sukuan!  Heto, habang lumalapit na ang sandaling iiwan ang buhay bilang Senior High School masaya ngunit nangingibabaw ang lungkot lalo na sa mga taong malapit sa'yo mga guro, kaibigan, at mga taong humubog sa aking pagkatao. Nakakalungkot man ang araw ng pagtatapos pero mas malungkot kung hindi ka magtatapos.

Comments

Popular posts from this blog

AKO: Noon, Ngayon at sa Hinaharap

GAS: Pinili para sa pangarap