GAS: Pinili para sa pangarap








Maaaring naguguluhan kayo ngayon sa pipiliin nyo pagdating ng Senior High School. Sana ay mas mangibabaw pa rin sa'yo kung ano ang nais mo, makinig ka sa kung ano ang gusto mo. H'wag kang matakot sundin ang bulong ng iyong puso. Pumili ka man ng Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities and Social Science (HUMSS), Scienc, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Technical-Vocational Livelihood (TVL) at maging ang General Academic Strand (GAS). kahit alin man dyan basta't kaya mong panindigan at naniniwala kang ito ang magdadala sayo patungo sa hinahangad mong tagumpay. Magtiwala ka sa sarili mo hanggang maganap ang natatangi mong pangarap. Ang sulating ito ay naglalaman ng isang kwento ng pagiging GAS student.
Alam kong pamilyar na tayo sa General Academic Strand (GAS) bilang isang kurso sa   k-12 curriculum. Pero para sa'yo ano nga ba talaga  ang ibig sabihin nito? 'yan ang tanong na gumugulo sa aking isipan noon na pilit kong binabalikan ngayon. Ang tanong kong bakit mas pinili ko ang GAS kumpara sa iba. Noong una nakakalito kasi mas gusto ko sanang pumasok ng ABM dahil malapit sa puso ko ang pagiging Accountant, ngunit nangibabaw pa rin sa akin ang kursong GAS. Nang mapasok ko ang mundo bilang GAS student ang alam ng karamihan ito'y tungkol lamang sa pang-Akademiko pero sa pamamagitan nito dito ko pala madidiskubre at mahuhubog ang talentong meron ako.
kahit nakakahiya kasi kailangan mong sumayaw, kumanta't tumula sa harap ng buong klase. kung sakaling pumiyok at di matamaan ang nota tuloy lang ngiti ka na lang, tatawa sila ng malakas medyo nakakainsulto pero ayos lang. Kasi wala naman talagang boses para lang sa grado gagawin ang lahat kahit na sintunado. Sa t'wing sasayaw d'yan sisigla at sasaya at unti-unting gagalaw na hindi bumibitaw hanggang makasabay sa bawat tugtog. Ang musika na minsan mababa,  minsan mataas pero ang kaylangan lang sumabay, mahirap man pero igalaw mo lang ang iyong katawan at konting kembot t'yak matututo kang sumayaw. Ang tula na kailangan may tugma, ang walang hilig ay nagiging makata. Lahat ng bagay na 'yun ang pinaranas ng GAS na hind ko nagawa noon. Hindi ko pagsisihan kung bakit ako nananatili sa Senior High School bilang GAS student.
kung usapan ng talino hinding-hindi magpapatalo ang aming klase pero may mga asignatura talagang nagpadugo sa ilong nang karamihan. Ayoko kong sabihin na Math 'to pero parang gano'n na nga. Kapag tungkol sa number, symbols, at equation kabahan ka na! tanggal ang noo mo. Kapag may exam matinding review at memorization ang kailangan sa bawat formula ng equation sabayan mo lang ang dasal para makapasa "bahala na basta sakin tama 'tong gingawa ko!" Kung wala talagang maisagot mag transform ka na lang bilang giraffe. Sige lang habaan mo pa hanggang sa sumakit na  ang leeg mo. Sana 'wag mong gagawin ha, bahala ka mas mali ang kokopyahan mo.
Ang swerte mo na lang kung katabi mo 'yung matalino sa inyong klase may pag-asang makapasa ka, pero h'wag ka nang magtangkang mangopya may nakasulat nanaman sa test paper "Honesty is the best Policy" totoo ba'to siguro nga, alam kong nabubuhay pa talaga 'tong magic word na'to hanggang ngayon.  Kaya pala kapag tinanong ng guro kung nagkopyahan sasabihin "Hindi po" pero pareho ang sagot . Isa lang ang ibig sabihin n'yan magkasing-talino ang lahat ng tao 'yan yun di nandaraya diba.
Ang aking buhay o paglalakbay bilang isang GAS student ay parang paglusong sa baha. Tumaas man ang tubig na tumutukoy sa mga hamong naranasan tuloy lang ang agos ng buhay. Lahat naman ng kurso mahirap kung iisipin pero kapag nakatatak sa isip at puso ng isang tao ang salitang "tagumpay" lahat magiging madali. Ito ang aking ginawa buong tapang kong linusong ang baha na kahit di alam ang kahihinatnan kapag nalagpasan ko ito masasabi ko sa aking sariling lahat kaya kong pagtagumpayan. Ang kaylangan lang determinasyon para sa aking binubuong pangarap. May mga guro na nagpatunay na ang kahalagahan ng Edukasyon ay hindi nakabase sa sistema nito ngayon, kundi ikaw mismo sa sarili mo kung gaano ito kahalaga para sa'yo.
Ang bawat aralin, mga planong hindi natutuloy ng grupo at sasabihing "drawing lang yan" mga guro na walang sawang nagpapasensiya sa kanilang mga estudyante, mga tinuro nilang hindi lang tungkol sa asignatura kundi kung paano maging isang mabuting tao. Matapos man ang araw na pinakahihintay ang entablado ng tagumpay. Ang mga taong nakasama ko mula sa umpisa ay mananatiling alaala at kailanman hindi kukupas ang tinta na inukit ng magkakasama.


Comments

Popular posts from this blog

AKO: Noon, Ngayon at sa Hinaharap

DAAN TUNGO SA TAGUMPAY: Ang Buhay Senior High School