AKO: Noon, Ngayon at sa Hinaharap
KAIBIGAN: ISANG SAMAHAN WALANG IWANA Madaling sabihin ang salitang sino ako? Subalit mahirap ipakita kung sino ka nga ba sa harap ng ibang tao. Ang mundong ating ginagalawan ay punong-puno ng panghuhusga, gulo, ingay, at karahasan. Paano ba sisismulan ang hinaharap at ang kinabukasan kung mananatiling ganito ang sitwasyon ng ating lipunan. Bago pa man ang kasalukuyan at mangyari ang hinaharap Let's throwback... Simula pagkabata, namulat na ako sa buhay na hindi marangya pamumuhay na payak at simple. Minsan kailangan mong gumising ng maaga para marami kang magawa. Bawal ang mabagal, ang tatamad-tamad Latigo ni Don pakulbo ang matitikman mo. kung hindi naman ay paliliguan ka ng tubig, pumili ka na lang kung mainit o malamig. Minsan kapag napagisipang makipaglaro sa kapwa-bata, grabe parang may sunog sa bahay parang laging may giyera. "Hoy! lalayas ka nanaman kapag lumagpas ka sa gate na yan 'wag ka na ditong babalik, humakbang ka pa at puputulin ko 'yan...